Ang Palitaw

Ang Palitaw

Isang uri ng kakanin
masarap kainin.
Ito’y may sangkap na gata,
at panandaliang nilaga.

Sa tubig pinakulo hangga’t lumitaw,
Kaya ito’y binansagang PALITAW.

Sa paghain,
ito’y binubudburan:
malimit asukal, at niyog na kinudkod mula sa bakuran.
Sa paghahanda, ay tiyak na makikita,
ang pagmamahal na tanging Pinoy lamang makakagawa.

Minsa’y nabigyan
kani’t-kanina lang.
Sa aming magkatrabo, pinaghatian
ngunit sa panlasa, sadyang kulang.

Sapagka’t dalawang piraso ay napakaliit
Kulang!
Sigaw ng damdamin ngunit dagdag ay di makakamit.
Sayang!

Dahan-dahang tinikman
ang tamis na nangingibabaw
Ngunit buong nilamon din sa kaduluhan
dahil sa sarap na umaapaw.

Ngayo’y naghahanap ng pwede makain
iniisip ang naubos na kakanin
Sana bukas makalawa may taong mamimigay
palitaw o Pilipinong kakaning magbibgay buhay.

Advertisements

Posted on August 25, 2010, in An Ode to Food and tagged , , . Bookmark the permalink. Leave a comment.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: